19 March 2026
Calbayog City
Local

Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod

PATULOY na isinusulong ng pamahalaang lungsod ng Calbayog ang planong pagtatatag ng Calbayog City College.

Kamakailan lamang ay dumalo si Mayor Raymund “Monmon” Uy sa pagpapatuloy ng Committee hearing ng Sangguniang Panlungsod para sa itatayong institusyon.

Layunin ng panukala na palawakin ang access para sa affordable higher education at palakasin ang oportunidad para sa mga lokal na mag-aaral.

Nakabatay ang inisyatibo sa feasibility study na isinagawa nitong unang bahagi ng taon na nagbibigay-diin sa pangangailangan para sa isang kolehiyong pinatatakbo ng lungsod.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).