NA-sweep ng PLDT ang Capital-1 sa score na 25-22, 25-20, 25-23, sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa 2025 PVL Reinforced Conference, sa Smart Araneta Coliseum.
Target ng High Speed Hitters na magdagdag ng panibagong Championship sa kanilang Haul.
ALSO READ:
Pinangunahan ni Savi Davison ang opensa sa kanyang 22 points, na kinabibilangan ng 15 attacks at 7 blocks, kasama ang 9 receptions.
Nagdagdag naman ang import na si Anastasiia Bavykina ng 15 markers at 10 receptions, para sa kanilang 1-0 record sa Pool A.




