SAFE na ang PLDT High Speed Hitters matapos ma-rescue mula sa kanilang Training Facility sa Araneta Avenue sa Quezon City na binaha bunsod ng malalakas na ulan dulot ng Habagat.
Sa social media post, ibinahagi ng PLDT na tumulong ang Philippine Coast Guard at Philippine Army sa pagre-rescue sa mga player, gaya nina Majoy Baron, Kim Fajardo, Kath Arado, at Jovy Prado.
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Sa hiwalay na video, ibinahagi ng Veteran Middle Blocker na si Mika Reyes na ilang oras nang stranded ang team sa Training Venue bago dumating ang rescuers lulan ng lifeboats at matapang na sinuong ang baha para dalhin sila sa ligtas na lugar.
Ang Undefeated Team ay lilipad patungong Cebu ngayong weekend para makasagupa ang mga koponan na wala pa ring talo, na kinabibilangan ng Nxled at Galeries, sa Sabado at LInggo, para sa nagpapatuloy na 2025 PVL On Tour.