Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nabawi ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang administrative control sa opisyal na Facebook page ng Manila Public Information Office.
Ayon sa Manila City LGU, ito ay matapos na hindi i-turnover sa bagong administrasyon ang pag-manage sa nasabing account.
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Kinumpirma rin ng alkalde na si MPIO Director E-jhay Clamor Talagtag, na siya ring itinalagang City Public Information Officer ng lungsod ang kasalukuyang administrator ng naturang page.
Matapos mabawi ang MPIO page, ito na muli ang magsisilbing opisyal at pangunahing digital platform ng lungsod para sa pagbabahagi ng mga public advisory, emergency announcements, at iba pang mahahalagang update.
Nagpasalamat naman ang alkalde sa tulong ng Meta para mabawi ang page.