KINUMPIRMA ng Russia Civil Aviation Authority na kabilang sina Wagner Chief Yevgeny Prigozhin at Wagner Commander Dmitry Utkin sa sampung sakay ng bumagsak na private jet sa Tver Region ng Russia.
Ayon sa mga otoridad, kagagaling lamang ng mga naturang opisyal sa pulong kasama ang mga miyembro ng Russian Defence Ministry nang maganap ang insidente.
Sa report na inilabas ng isang telegram channel na konektado sa Wagner Mercenary Group, iniulat na kasama si Prigozhin sa sampung pasahero ng private jet na nasawi sa plane crash.
Sinabi ng Investigative Committee of Russia, walang pang tatlumpung minutong nasa himpapawid ang Enbraer Aircraft na may biyaheng Moscow patungong St. Petersburg nang ito ay bumagsak.