INAANTABAYANAN ni Filipino Boxing Legend Manny Pacquiao ang kumpas ng International Olympic Committee para sa kanyang paglahok sa Paris 2024 Games.
Sinabi ni Pacquiao, na go signal na lamang ang kanyang hinihintay dahil nakapag-training na siya para sa Olympics sa susunod na taon.
Samantala, kaugnay naman sa umano’y rematch nila ni Floyd Mayweather Jr., inihayag ng dating 8-Division World Champion na abangan na lamang ang mga susunod na update sa umuugong na muli nilang paghaharap sa lona.
Tiniyak din ng pambansang kamao sa fans na araw-araw siyang nagte-training.