SINIMULAN ni Eman Bacosa ang “Thrilla in Manila” 50th Anniversary Undercard sa pamamagitan ng tagumpay, sa Araneta Coliseum.
Tinalo ni Bacosa ang kapwa Filipino boxer na si Nico Salado Via Unanimous Decision sa kanilang 6-Round Lightweight Bout.
ALSO READ:
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Dalawang judges ang nagbigay ng Score na 58-55 habang ang ikatlong judge ay nagbigay ng 60-53.
Nang tanungin kung ano susunod para sa kanya, sinabi ni Bacosa na ipinauubaya na niya ito sa kanyang team.
Dahil sa kanyang panalo, nananatiling Unbeaten si Bacosa sa 7-0 habang si Salado ay nalaglag sa 2-2-1 Win-Loss-Draw Record.
