10 March 2025
Calbayog City
Sports

Pinoy boxer Carl Jammes Martin, sasabak na sa kanyang US debut

SASABAK na ang unbeaten prospect na si Carl Jammes Martin sa kanyang pinakahihintay na US debut.

Makakasagupa ng Pinoy boxer si Jose Sanmartin ng Columbia sa undercard ng premier boxing champions sa March 22 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

AIRASIA

Si Martin na may record na 25-0 with 20 knockouts, ay nagkaroon ng dalawang huling laban sa ibang bansa noong 2024.

Tinalo niya sina Anthony Salas at Ruben Garcia sa kani-kanilang home town sa Mexico. Mahigit isang taon nang nagte-training si Martin sa Las Vegas simula nang kunin ito ng MP Promotions.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).