DALAWA ang arestado na kinabibilangan ng isang Pinoy at isang Tsino, sa Buy-Bust Operation sa Plaridel, Bulacan.
Ayon sa PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG), isinagawa ang operasyon sa Barangay Bulihan.
Mahigit isandaang kilo ng iligal na droga na hinihinalang shabu o cocaine, at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 700 million pesos ang nakumpiska mula sa mga suspek.
Iniimbestigahan ng PNP-DEG kung konektado ang nakumpiska nilang Illegal Drugs sa Floating Shabu na narekober mula sa katubigan ng Zambales at Ilocos.