PASOK na si Alex Eala sa World’s Top 30 Players matapos maabot ang bagong personal-best mark na No. 29 sa latest WTA rankings na ni-release ngayong Lunes.
Umakyat ng tatlong spots ang Filipina tennis sensation kasunod ng kanyang debut appearance sa WTA 1000 Indian Wells Open noong nakaraang linggo, kung saan umabot siya sa Round of 16.
Inumpisahan ng bente anyos na Pinay ang kanyang Indian Wells campaign “with a bye” sa opening round bago natakasan si Dayana Yastremska sa Round of 64.
Nasungkit din ni Eala ang kauna-unahang panalo laban kay Coco Gauff matapos mag-retire ang American tennis player sa kanilang Round of 32 match.
Gayunman, pinadapa ni Linda Noskova si Eala sa Round of 16 na kaya natanggal siya sa contention.
Inaasahang sisimulan ng Pinay tennis superstar ang kanyang kampanya sa Miami Open sa Huwebes.




