HINDI na magpapatuloy si Alexandra “Alex” Eala sa Indian Wells Open matapos padapain ni Linda Noskova ng Czech, 2-6, 0-6, sa Round of 16.
Kinailangan lamang ng World No. 14 na si Noskova ng 55 minutes para dispatsahin ang bente anyos na Pinay at makausad sa Quarterfinals.
ALSO READ:
Sa unang bahagi ng tournament ay tumanggap si Eala ng first-round bye para direktang makaabante sa Round of 64 kung saan tinalo nito si Dayana Yastremska ng Ukraine.
Nakausad ang Pinay tennis superstar sa Round of 16 matapos mag-retire si Coco Gauff ng America sa kanilang Round of 32 match dahil sa injury.
Sa kabila naman ng setback, itutuloy ni Eala ang kanyang Sunshine Swing Campaign sa Miami Open.




