UMANGAT ang Filipina Tennis Ace na si Alex Eala sa World No. 61 sa pinakabagong Women’s Tennis Association Rankings makaraang masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA 125 Title.
Mula sa 75th-World Placement, tumalon ng 14 Spots si Eala matapos manalo sa Guadalajara 125 Open sa Mexico.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Pinadapa ng bente anyos na Pinay na nagkaroon ng Career-High Ranking na No. 56, ang katunggaling Hungarian na si Panna Udvardy para makamit ang makasaysayang kampeonato.
Muling sasabak sa Hardcourt si Eala sa Sao Paulo Open sa Brazil, kung saan Third Seed siya, sunod kina No. 27 Beatriz Haddad Maia ng Brazil at No. 82 Solana Sierra ng Argentina.
