PINAYUKO ng Filipina Tennis Ace na si Alex Eala ang Top Seed na si Hailey Baptiste ng United States, sa score na 6(1)-7, 7-6(4), 6-1, sa Second Round ng Eastbourne Open para mag-qualify sa Main Draw ng Tournament.
Matapos ang neck-and-neck affair sa First Two Sets, dinomina ng World No. 77 na si Eala ang World No. 56 na si Baptiste sa Third Set para makuha ang 5-0 lead, bago tuluyang nakamit ang tagumpay.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Tumagal ang kanilang laro ng dalawang oras at apatnapu’t pitong minuto.
Una nang inilampaso ng bente anyos na Pinay Tennis Star sa First Round ang Turkish na si Zeynep Sonmez sa score na 6-1, 6-3.
Pagkatapos ng Eastbourne Open ay maglalaro naman si Eala sa Main Draw ng Wimbledon na magsisimula sa June 27.
