SASABAK sa panibagong hamon si Filipina Tennis Sensation Alex Eala sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand, kasunod ng Three-Set Win laban kay Donna Vekic ng Croatia.
Makakaharap ngayong Huwebes ni Eala ang isa pang Croatian sa katauhan ni Petra Marcinko na Ranked No. 82 sa WTA.
ALSO READ:
Ito ang kanilang unang pagtatagpo sa WTA Tour.
Magbabalik din ang bente anyos na Pinay sa Doubles Action kasama ang American teenager na si Iva Jovic, sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya matapos padapain ang mga beterano na sina Venus Williams at Elina Svitolina.
Makakasagupa ng Filipina-American duo sina Jesika Maleckova ng Czechia at Renata Zaruzua ng Mexico.




