NAABOT ni Filipinas Tennis Sensation Alex Eala ang panibagong Career-High sa Women’s Tennis Association (WTA) Rankings matapos umakyat sa No. 51 mula sa No. 53 noong nakaraang Linggo.
Ang bagong ranking ay inilabas kahapon, bago sumabak si Eala sa Hong Kong Open, na hudyat ng kanyang Final Push sa WTA Season ngayong taon.
Ngayong Martes ay sasabak ang bente anyos na Pinay sa Singles laban kay World No. 79 Katie Boulter ng Great Britain.




