NAABOT ni Filipina Tennis Ace Alex Eala ang panibagong career-high sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings, ngayong Lunes.
Umakyat ang bente anyos na Pinay sa No. 49 kasunod ng kanyang pagsabak sa ASB Classic noong nakaraang Linggo sa New Zealand.
ALSO READ:
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Rizal Memorial Tennis CENTER, sasailalim sa testing bago ang Philippine Women’s Open
Alex Eala, aabante sa ASB Classic Quarterfinals matapos patalsikin ang 1 pang Croatian ace
Tumalon ng apat na spots si Eala mula sa No. 53 sa pagtatapos ng 2025 Season.
Sa ASB Classic, umabot ang Pinay tennis sensation hanggang sa Semifinals bago napayuko ni Wang Xinyu ng China.
Sunod na mapapanood sa court si Eala sa Kooyong Classic, isang exhibition tournament, na magsisimula ngayong Martes.
