KINAPOS ang Filipina tennis star na si Alex Eala laban kay Czech World No. 152 Linda Fruhvirtova, sa score na 7-5, 6-7(5), 6-1, sa mahigpit na First-Round Match sa Birmingham Open.
Bahagi ito ng paghahanda ng Pinay tennis ace sa kanyang Grass-Court CAMPAIGN patungong Wimbledon.
Sa kabila naman ng pagkatalo, ipinakita ni Eala ang kanyang husay at kumpiyansa para sa kanyang nalalapit na Main Draw Debut sa Wimbledon 2025 na magsisimula sa June 30.
Sasabak si Eala sa iba pang Grass-Court Tournaments sa United Kingdom sa mga susunod na linggo para sa Fine-Tuning ng kanyang laro at makakuha pa ng experience sa Grass Court.