SINUKLIAN ni Filipina Tennis Superstar Alex Eala ang suportang ibinibigay sa kanya ng fans sa pamamagitan ng surprise meet and greet, sa Rizal Memorial Coliseum.
Laking tuwa ng fans na nagtungo sa venue na makita at makausap ng malapitan ang bente anyos na Pinay, na karaniwan ay nakikita lamang nila sa malayo kapag naglalaro ng tennis.
Bago pa man ang fan meet, ay mahabang pila ng mga supporter ang makikita sa loob ng Rizal Memorial Coliseum, na ang bawat isa ay may hawak na tennis ball o memorabilia.
Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Eala sa suporta ng mga Pilipina na pumuno sa center court, matapos padapain si Alina Charaeva ng Russia para makausad sa Round of 16.




