KASABAY ng patuloy na pag-angat sa world stage, hinaharap din ng Filipina tennis superstar na si Alex Eala ang dagsa ng misinformation na kumakalat sa online.
Ang 20-year-old at kasalukuyang ranked no. 45, ay naging subject ng manipulated o AI-generated photos at mga post at articles na naglalaman ng mga istoryang hindi totoo o hindi kailanman nangyari.
Sa kanyang pagharap sa media sa Philippine Women’s Open, sinabi ni Eala na aware siya sa dumaraming misinformation tungkol sa kanya sa online.
Aminado ang Pinay tennis ace na hindi niya ito kontrolado, kasabay ng paghimok sa kanyang supporters at sa publiko na unawaing mabuti ang mga binabasang content, lalo na sa social media.




