Nakapag-uwi ng dalawang medalya ang Filipina paralympic swimmer na si Angel Otom mula sa sinalihang Citi Para-swimming World Series sa Singapore.
Nanalo si Otom ng gold medal mula sa Women’s 50-meter Backstroke event, kung saan nakapagtala siya ng 44.72 seconds.
ALSO READ:
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Rizal Memorial Tennis CENTER, sasailalim sa testing bago ang Philippine Women’s Open
Nasungkit din ng three-time ASEAN Para Games Champion ang silver medal sa 50-meter butterfly class event, sa pamamagitan ng 46.39 seconds.
Si Otom, kasama ang isa pang pinoy paraswimmer na si Ernie Gawilan ay kapwa qualified na, sa nalalapit na Paris Paralympics na magsisimula sa huling bahagi ng Agosto.
