NASA dalawandaan labing walunlibong pasahero ang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) noong Sabado upang humabol sa biyahe para sa araw ng Pasko.
Ito ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero na naitala sa kasaysayan ng naturang bus terminal.
ALSO READ:
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Binasag nito ang dating record na 204,000 passengers na naitala noong Dec. 23 ng nakaraang taon.
Sinabi ni PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa na inaasahan nilang madaragdagan pa ang mga biyahero hanggang ngayong Lunes, na magdiriwang ng holidays sa kani-kanilang mga probinsya.
Dahil sa pagdagsa ng mga pasahero, dinagdagan ng PITX ang biyahe ng mga bus, lalo na sa mga patungong Bicol Region.
