23 November 2024
Calbayog City
Overseas

Pinakamalaking buwaya na nahuling buhay, pumanaw na sa Australia

NAMATAY na ang 5.48-meter Australian Crocodile na may hawak sa record bilang “Largest Crocodile in Captivity.”

Batay sa pagtaya, mahigit 110 years old na ang buwaya na pinangalanang Cassius.

Sa facebook, inihayag ng Marineland Melanesia Crocodile Habitat, na simula noong Oct. 15 ay humina na ang kalusugan ng buwaya na may bigat na mahigit isang tonelada.

Sinabi ng wildlife sanctuary na masyado nang matanda si Cassius at lagpas na ito sa taon na maaring mabuhay ang isang wild crocodile.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).