NAPANALUNAN ng Pilipinas ang ika-limang sunod na titulo sa East Asia Baseball Cup makaraang padapain ng Men’s Baseball Team ang Hong Kong sa gold medal game, sa score na 9-2, sa Pampanga.
Na-sweep ng Pilipinas ang Indonesia sa score na 13-1 at Singapore sa score na 15-0 sa Group B sa unang round, at Thailand sa score na 9-5 at Hong Kong sa score na 4-2 sa Super Round.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Nasungkit naman ng Thailand ang bronze medal makaraang talunin ang Singapore sa score na 11-10, sa third place match.
Sa kasalukuyan, rank 27 sa buong mundo ang Pilipinas, na nanalo ng apat na nakalipas na edisyon ng East Asia Cup noong 2012, 2015, 2017, at 2023.
