NAITALA ng Pilipinas ang Best Medal Haul sa ASEAN Para Games, matapos makasungkit ng 45 golds, 37 silvers, at 52 bronzes sa 13th edition ng Biennial meet sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Madaling nalagpasan ng Filipino delegates ang kanilang dating gold-silver-bronze haul na 34-33-50 sa nakalipas na 12th ASEAN Para Games sa Cambodia noong 2023.
ALSO READ:
Ito na ang pinakamataas na medalyang naiuwi ng Pilipinas mula nang sumali sa tournament noong 2001 sa Malaysia.
Ang athletics ang biggest contributor sa gold rush ng bansa na nakasungkit ng 16 gold medals, sumunod ang swimming, 13 at chess na may 12 gold medals.




