KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsasagawa ng Multilateral Maritime Cooperative activity ng Pilipinas, Japan, Australia at US.
Ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawnerjr. Isasagawa ang multilateral maritime cooperation activity sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Mga mambabatas, dumepensa sa paghawak ng Kamara sa impeachment laban kay VP Sara
DOTr, mahigpit na pinababantayan ang airport security screening officers
Paggunita ng Holy Week sa buong bansa, nananatiling generally peaceful, ayon sa PNP
Paglikha ng compassionate at nagkakaisang bansa, panawagan ni PBBM sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Easter Sunday
Layunin nitong ipakita ang collective commitment ng apat na bansa para mapalakas ang Regional at International cooperation bilang suporta sa pagkakaroon ng “free and open Indo-Pacific”.
Lalahok sa aktibidad ang naval at Air Force Units ng apat na bansa.
Sinabi ni Brawner na ang gagawing aktibidad ay tatalima sa International Law at irerespeto ang safety of navigation at ang karapatan at kapakanan ng iba pang mga bansa.
Ito ay pagsisiguro aniya ng commitment ng apat na bansa sa pagkakaroon ng freedom of navigation and overflight, maritime rights sa ilalim ng international law at un convention on the law of the sea o unclos. (DDC)
