Hindi kailangan hingin ng Pilipinas ang permiso ng China para makapaglayag sa Ayungin Shoal.
Reaksyon ito ni National Security Adviser Eduardo Año, kasabay ng pagsasabing “absurd, nonsense at unacceptable” ang statement ng Chinese Foreign Ministry na kailangang mag-abiso muna ang Pilipinas sa China para makapasok sa Ayungin.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Binigyang diin ni Año ang commitment ng pamahalaan na pagtitibayin ang sovereign rights at jurisdiction sa Ayungin Shoal, pati na sa Philippine Exclusive Economic Zone, alinsunod sa International Law at 2016 Arbitral Award.
Noong Biyernes ay inihayag ng Chinese Foreign Ministry na papayagan nila ang Pilipinas na magpadala ng supplies sa BRP Sierra Madre kung mag-a-abiso nang maaga sa Beijing.
