GUMAWA ng kasaysayan ang Philippine Men’s Under-23 National Team sa 2025 U-23 ASEAN Championship Mandiri Cup, sa Jakarta, Indonesia.
Na-secure ng young squad na pinamumunuan ni Coach Garrath Mcpherson, ang kanilang kauna-unahang Semifinals Appearance sa Regional Tournament.
Nagtapos ang Pilipinas sa pangalawang pwesto sa Group A, dahil sa naitalang 6 points, matapos talunin ang Malaysia at Brunei.
Gayunman, kailangan pa nilang hintayin ang resulta ng laro sa pagitan ng Vietnam at Cambodia, pati na Thailand at Myanmar para makaabante sa Semis bilang Second Team.