23 December 2024
Calbayog City
Sports

Philippine Men’s National Football Team, naka-abante sa ASEAN Championship semis matapos talunin ang Indonesia

NAKABALIK ang Pilipinas sa ASEAN championship semifinals.

Ito’y matapos talunin ng Philippine Men’s National Football Team ang Indonesia, sa score na 1-0, sa harap ng Indonesian crowd sa Manahan Stadium sa Surakarta.

Naipasok ni Bjorn Kristensen ang nag-iisang goal sa 63rd minute ng match.

Labing isang minuto ang nadadag sa laro subalit pinanindigan ng Pilipinas ang pag-angkin sa unang panalo ng pambansang koponan sa torneyo.

Sapat na ang nag-iisang goal ni Kristensen para sa Pilipinas para makuha ang 3 points at pumangalawa sunod sa Group B leader na Vietnam, na mayroong 3-1-0 record sa ASEAN Mitsubishi Electric cup.

Huling nakapasok ang Pilipinas sa ASEAN Championship Semis noong 2018.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).