INANUNSYO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong Lunes na inaasahang makukumpleto ang Phase 1 ng EDSA Rehabilitation sa Hulyo ngayong taon.
Sa press conference, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na halos 50% nang kumpleto ang Phase 1 ng rehabilitasyon sa EDSA, kaya pagsapit ng Hulyo ay kumpleto na ito kasama ang sidewalks.
Idinagdag ni Dizon na maganda ang progreso ng proyekto at medyo mabilis.
Sa ngayon ay nasa final stages na ang DPWH para sa procurement ng Phase 2 ng EDSA Rehabilitation na sumasaklaw sa Orense hanggang Cubao.
Nagsimula ang rehabilitation works sa EDSA noong Dec. 24, 2025.
Sinabi pa ng kalihim na humihingi pa sila ng permiso mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa round-the-clock rehabilitation schedules sa Semana Santa.




