TATLONG sets ng three-car Dalian trains ang ide-deploy sa MRT-3 simula sa Dec. 25, 2025, para makapagsakay ng mas maraming pasahero sa holiday rush.
Noong Sabado ay sumakay sina Transportation Secretary Giovanni Lopez at MRT-3 General Manager Mike Capati, sa isa sa mga tren upang matiyak ang kaligtasan nito.
ALSO READ:
Ang dalawa pang sets ng Dalian trains ay inaasahang sasailalim din sa testing ngayong Disyembre.
Ipinag-utos ni Lopez sa MRT-3 na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mahigpit na safety checks at utilization procedures para sa Dalian trains upang matiyak na ligtas itong sakyan ng mga pasahero.
Ayon sa Department of Transportation, ang bawat bagon ng Dalian train ay kayang magsakay ng 1,156 passengers.




