ARESTADO ang isang lalaking pasahero makaraang magbitiw ng bomb joke, sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City.
Ayon sa PNP Aviation Security Group, patungong Singapore ang kwarenta’y dos anyos na pasahero nang sabihin nito sa check-in counter na wala namang fragile items na laman ang kanyang bag, pero merong bomba.
Inaresto ng airport authorities ang pasahero, at pinaliwanagan ito sa nature ng offense na kanyang ginawa at tungkol sa kanyang constitutional rights.
Dinala ang lalaki sa Sasa Police Station para sa kanyang temporary detention.
Wala namang naapektuhang flights kaugnay ng insidente subalit hindi nakasakay ng eroplano ang suspek.