23 November 2024
Calbayog City
Local

PBBM pangungunahan ang ika-10 taong anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda

Pangungunahan ngayong miyerkules ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang ika-sampung anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.

Inaasahang darating mamayang alas diyes ng umaga sa Tacloban City si Pangulong Marcos at didiresto ito sa Tacloban City Convention Center (Astrodome) na ginamit bilang pinakamalaking temporary shelters ng mga survivor.

Sasamahan siya ni House Speaker at Leyte Congressman Martin Romualdez at sasalubungin ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Noong nakaraang taon, ay pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang anibersaryo na ginanap sa isang mass grave sa Barangay Basper, kung saan inilibing ang mahigit dalawanlibo dalawandaang katao na nasawi sa pananalasa ng super tyhpoon.

Ngayong taon naman ay pangungunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng mga titulo sa Yolanda survivors na nag-avail sa housing project ng national government.

Magkakaroon din ng thanksgiving mass sa hapon sa mass grave sa Holy Cross Memorial Park sa Barangay Basper habang isang taimtim na Candlelight Ceremony sa bawat kalye sa lungsod ang hudyat ng pagtatapos ng programa.

Mahigit animnalibong katao ang nasawi nang hagupitin ng Bagyong Yolanda ang Eastern Visayas noong Nov. 8, 2013.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *