POSIBLENG magkaroon ng crossover sa pagitan ng dalawa sa best professional basketball leagues sa Asya.
Ikinakasa ng PBA at Japan B.League ang planong exhibition games bilang bahagi ng pagdiriwang ng 50th anniversary ng PBA sa huling bahagi ng taon.
ALSO READ:
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Sa sidelines ng press conference para sa unveiling ng “pba 50” logo, sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na ayaw munang ipasabi ng B.League ang buong plano.
Bukod sa homegrown stars ng japan, kabilang din sa fan-favorites sa B.League ang filipino cagers, gaya nina Dwight Ramos, Kai Sotto, Ray Parks Jr., at Kiefer Ravena.
