13 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist nagpasalamat sa pagmamahal mula sa mga ‘Batang Kankaloo’

Back-to-back na sortie sa Kalookan ang dinaluhan ng TRABAHO Partylist kasama ang celebrity advocate nito na si Melai Cantiveros-Francisco at mga nominee na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez.

Kasama ang Team Aksyon at Malasakit slate, sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan, nagpasalamat ang grupo sa suporta at pagmamahal mula sa mga “Batang Kankaloo”- moniker para sa mga lehitimong residente ng Kalookan.

“Thank you sa inyong suporta sa ating Mayor Along at Cong. Oca at pati kami ay nadamay sa suporta ninyo para sa 106 TRABAHO Partylist. Maraming salamat!,” wika ni Cantiveros-Francisco habang nakikipagkulitan sa mga sumasalubong na supporters.

“Lahat dito sa TRABAHO Partylist ay pakikinggan ang inyong mga boses,” dagdag pa niya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).