Binigyang-diin ng House Special Committee on West Philippine Sea (WPS) na pinamumunuan ni Mandaluyong Lone District Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II ang ang paninindigan sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez na pangalagaan ang interes ng bansa sa kabila ng “umiigting na tensyon” sa WPS.
Ipinahayag ito ni Gonzales, sa pagdinig ng special committe, dulot ng mga agresibong hakbang ng China sa teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas.
“Tensions are high, and it comes when we are experiencing numerous simultaneous conflicts around the world. The frequent incidents prompted by Chinese vessels in the WPS is a serious cause for concern,” ayon kay Gonzales.
“As I have previously said, our committee is committed to safeguarding the interests of the Philippines and its people,” ayon pa sa mambabatas na dating deputy speaker at majority leader ng Mababang Kapulungan.
Giit pa ng mambabatas na layunin ng pulong ay ang pagkakaroon ng talakayin ang mga dapat na hakbang upang tugunan ang usapin alinsunod na rin sa paninindigan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pangalagaan ang teritoryong pag-aari ng Pilipinas.
Kabilang sa mga proseso ng panel ang isang briefing mula sa National Task Force for the WPS ukol sa mga insidente na kinasangkutan ng mga barko ng Pilipinas at Csina sa WPS.
Kasama na rito ang insidente noong Oktubre 22, sa routine and regular rotation and resupply (Ro-Re) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kung saan naroon din ang dalawang barko ng Chinese Coast Guard ang nagsagawa na bumangga sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-o ang contracted supply boat Unaiza May 2.
Una na ring ipinag-utos ng Pangulong Marcos sa PCG ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa insidente, gayundin ang pagsusumite ng diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs.
Kinondena rin ng Kongreso ang naging hakbang ng China at ang panawagan na papanagutin sa kanilang panggigipit sa Pilipinas lalo’t nalagay sa panganib ang buhay ng mga sakay ng barko sa nangyaring banggaan maging sa kapayapaan at katiwasayan sa rehiyon. (Jack Adriano)