NAGPAALAM na sa mga opisyal at empleyado ng National Bureau of Investigation si outgoing Director Atty. Angelito “Lito” Magno.
Kasunod ito ng anunsyo ng Malakanyang sa paghirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Atty. Melvin Matibag bilang bagong NBI Director.
ALSO READ:
Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat si Magno sa suporta at tiwala sa kaniya ng mga opisyal at tauhan ng NBI.
Tiwala rin si Magno na maipagpapatuloy ng ahensya ang misyon nito nang may integridad, katapangan, at commitment sa ilalim ng bago nitong pinuno.
Tiniyak naman ng ahensya ang buong kooperasyon sa bagong NBI Director.




