ISUSUBASTA ng National Food Authority ang nasa 60,000 metriko toneladang bigas nito na luma na o matagal nang nakaimbak sa kanilang Warehouse.
Ito ay para maiwasan ang tuluyang pagkasira ng mga ito at para lumuwag din sa Warehouse ng ahensya.
Financial Transactions ng Flood Control Contractors, iniimbestigahan na ng AMLC
Dating DPWH Sec. Bonoan, pinangalanan sa bagong pasabog ni Sen. Lacson
Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa maanomalyang Flood Control Projects
PBBM, nakabalik na sa bansa mula sa State Visit sa Cambodia bitbit ang limang nilagdaang Kasunduan
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., na siya ring Chairman ng NFA Council, sa pamamagitan nito ay masusuportahan din ang Rice Supply sa bansa sa pag-iral ng Ban sa pag-aaangkat ng bigas.
Sinabi ng NFA na isasagawa ang Auction sa buwan ng Oktubre pero ang mga Government Relief Agencies gaya ng Department of Social Welfare and Development ang bibigyan ng pagkakataon na unang makabili ng Rice Stock simula sa Setyembre.
Ang mga bigas na two-month-old o mas luma pa ang isasailalim sa Auction at sisimulan sa P27.96 hanggang P25.01 per kilo ang presyuhan depende sa kung gaano katagal na itong naka-stock sa Warehouse.
Itinuturing na luma ang Rice Stocks kapag nakaimbak ito ng tatlong buwan o higit pa mula nang magiling.