SUSPENDIDO ang klase sa lalawigan ng Sultan Kudarat, maging ang pasok sa trabaho sa tatlong bayan, bunsod ng sunod-sunod na lindol.
Sa Executive Order, ipinag-utos ni Governor Datu Pax Ali Mangudadatu ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan, “until further notice.”
Gayundin ang pasok sa lahat ng government offices, kabilang ang national government agencies sa mga bayan ng Kalamansig, Lebak, at Palimbang, maliban sa mga opisina at personnel na naghahatid ng essential at emergency services.
Ipinatutupad naman ang blended work arrangement, o kumbinasyon ng work-from-home setup at on-site reporting, sa lahat ng government offices sa lahat ng government offices sa labas ng tatlong nabanggit na munisipalidad.




