Pinakabagong atraksyon sa Metro Manila ang bagong bukas na Pasig River Esplanade.
Tampok dito ang view ng Jones Bridge at nakabibighaning fountain lights, na lalong nagpatingkad sa ganda ng Maynila kapag gabi.
Idinagdag din ang ilang sculptures ng cultural dance na pandango sa ilaw.
Hindi naiwasan ng ilang netizens na maikumpara ang ganda nito sa ilang lungsod sa Europe, lalo na sa Italy.
Naging “dating spot” din ito para sa ilang magsing-irog na nag-enjoy sa tahimik na pasyalan.