ARESTADO sa Tacloban City Airport ang isang pasaherong patungong Maynila matapos makumpiskahan ng replica ng submachine gun sa kanyang bagahe, sa gitna ng umiiral na Election Gun Ban.
Ayon sa PNP Aviation Security Group (PNP-AVSEG), hindi pinayagan ang pasahero na sumakay sa kanyang flight kasunod ng routine screening, kung saan nadiskubre ang bitbit niyang replica ng heckler & koch submachine gun, kumpleto kasama ang magazine.
Binigyang diin ng PNP-AVSEG na paglabag ito sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms Ammunition Regulation Act, in relation to COMELEC Resolution No. 11067.
Ipinatupad ang Nationwide Gun Ban noong January 12, kasabay ng pagsisimula ng election period period, at magtatagal ito hanggang sa June 11, 2025.
Sa naturang panahon, sinabi ni PNP-AVSEG na ang pagta-transport ng mga armas at deadly weapons, kabilang na ang replicas at toy guns, ay mahigpit na ipinagbabawal.