Arestado ang isang 60-anyos na lalaki matapos mahulihan ng mga bala ng baril sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa PNP Aviation Security Group, paalis ng NAIA ang pasahero at patungo sana sa Cagayan de Oro.
ALSO READ:
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Tarlac congressman, asawang vice mayor at DPWH engineer, sinampahan ng Plunder at Graft Complaints sa Ombudsman
Hearing ng ICI sa Flood Control Scandal, mapapanood na sa Livestream simula sa susunod na Linggo
Ang suspek na residente ng Pandi, Bulacan ay nahulihan ng mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) ng 11-piraso ng bala ng Caliber .22 sa kaniyang bagahe.
Nabigo ang pasahero na magpakita ng legal documents para sa mga dala niyang bala. Hawak na siya ng mga tauhan ng AVSEGROUP at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.