TINIYAK ng pamunuan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) na walang mangyayaring taas-pasahe sa kanilang tren ngayong taon.
Ayon kay MRT-3 general manager oscar bongon, walang fare hike ngayong 2025 subalit posible ito sa susunod na isa o dalawang taon, at regulated ito ng Department of Transportation.
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Idiinagdag ni bongon na sa ngayon ay walang petisyon para sa taas-pasahe sa mrt-3 at walang obligasyon para gawin ito, hindi gaya ng mga nasa ilalim ng private concessionaires na nasa kontrata ang pag-a-adjust ng pasahe.
Samantala, inihayag din ng opisyal na target ng MRT-3 na mag-operate ng four-car train sets sa hunyo mula sa kasalukuyang tatlo, kapag nakumpleto na ang kanilang pocket track extension sa Taft Avenue at North Avenue turn-back facility.
