KINUMPIRMA ng Archdiocese of Cebu nitong Biyernes ang pagkamatay ng isa sa kanilang pari, sa pagsasabing namatay ito sa pamamagitan ng suicide matapos mag-collapse ang kanyang mental health.
Sa official statement na may titulong “Hope Against Hope: A Death Announced,” Sinabi ni Archbishop Alberto “Abet” Uy na magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ni Rev. Fr. Decoroso “Cocoi” Olmilla na nagkaroon umano ng severe mental health breakdown na naging sanhi nang kanyang pagpapakamatay.
Si Olmilla, 68, ay resident priest ng St. Therese of the Child Jesus Parish sa Barangay Lahug, Cebu City.
Inaanyayahan ang mga mananampalataya na ipagdasal ang kapayapaan ni Olmilla. Umaasa ang Archdiocese na makamit nito ang katahimikan kasama ang kanyang creator.




