PARA kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, imposible ang nilalaman ng affidavit ng labingwalong nagpakilalang mga dating Marines at naging bagman ni dating Congressman Zaldy Co.
Sa kaniyang radio program, sinabi ni Remulla na hindi kapani-paniwalang magkakasama at pare-pareho ang kilos ng lahat ng labingwalo sa buong salaysay nila.
Gayong ang affidavit aniya ay dapat nakabatay lamang sa personal na karanasan.
Itinanggi rin ni Remulla ang paratang na nakipagpulong umano siya sa mga prosecutor ng ICC.
ALSO READ:
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
Hinamon ni Remulla na humarap at tumestigo sa Senado ang mga dating marino.
