NABABAHALA ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa mga POGO worker na nasa kanilang kustodiya.
Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, nasa pitundaan na dating POGO workers ang nananatili sa kanilang Temporary Detention Center sa Pasay City.
Nabunyag sa Medical Examination kamakailan na animnapu’t anim ang nag-positibo sa HIV, syphilis, at hepatitis, na pawang nakahahawa.
Ipinaliwanag din ni Cruz na napilitan silang suspindihin muna ang kanilang mga operasyon bunsod ng pagsisiksikan sa kanilang Detention Facility.