NAKIPAGPULONG si Cong. Jimboy Tan kasama ang mga lider ng Samar sa pangunguna ni Gov. Sharee Ann Tan at Major Gen. Peter Burgonio kay Undersecretary Facundo Palafox sa Office of the Executive Secretary.
Layunin ng pulong na talakayin ng maaga ang panukalang Samar Island Connectivity Road Project.
Binigyang-diin sa meeting ang matibay na kolaborasyon ng local at national leaders sa pagsusulong ng mahalagang imprastraktura na magpapabuti sa connectivity sa buong Samar Island.
Sa pamamagitan ng proyekto, paghuhusayin ang koneksyon ng mga komunidad, sisigla ang ekonomiya, at mailalapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan ng Samar.




