NAIPASA na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na layong bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pansamantalang suspendihin o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
Layon ng House Bill 8418 na amyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Pasya ni PBBM na huwag ibalik ang bansa sa ICC, kinuwestyon ni Rep. de Lima
Ayon sa isa sa mga author ng panukala na si House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, kailangan ang naturang batas para matulungan at maprotektahan ang mga pamilyang Pilipino.
Tiniyak naman ni House Committee on Ways and Means chairperson at Marikina City Rep. Miro Quimbo na may kaakibat na safeguards ang kapangyarihang ibibigay kay Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng panukala ay magagamit lamang ng pangulo ang kapangyarihan kapag ang presyo ng Dubai Crude Oil ay umabot o lumagpas sa 80 dollars per barrel.
Puwede ring gamitin ang kapangyarihan kapag nagdeklara ng state of national emergency o calamity.
