3 July 2024
Calbayog City
Business

Panukalang magpapababa ng presyo ng krudo, gawing ‘urgent’

krudo

Sa ikalabing isang pagkakataon ng nakaambang pagtaas ng presyo ng krudo, iginiit ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas na madaliin na ang mga panukala na naglalayong ibaba ang mga presyo ng produktong petrolyo kasama na ang pagsasantabi ng excise tax at value-added tax sa langis. 

Una na ring inanunsyo ng mga kompanya ng langis na aabot ng hanggang sa P2 kada litro ang ipapataw na dagdag presyo sa kada litro ng gasoline, gaas at diesel.  Dahil sa panibagong pagtaas ng presyo ng langis aabot na sa P70 ang kada litro ng diesel. 

Iginiit ni Brosas, dapat nang madaliin ang pagtatanggal sa buwis sa langis upang matulungan ang publiko lalo’t inaasahan pang tumaas ang presyo ng langis sa mga susunod na buwan.  Sakaling maisabatas, sinabi ng mambabatas na aabot sa P15 kada litro ang kagya’t na maibabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo. 

Kaya’t hamon ni Brosas sa administrasyong Marcos na isertipika bilang urgent ang panukalang nagsasantabi sa TRAIN law excise tax at VAT on petroleum products. 

“We filed House Bill 400 seeking to scrap TRAIN Law excise tax and VAT on petroleum products as our first priority measure for the 19th Congress. We challenge the Marcos Jr. administration to certify it as urgent,” ayon kay Brosas.  

Ilan pa sa panukalang isinusulong ng Makabayan bloc ang regulation of the downstream oil industry, bill unbundling petroleum prices, bill renationalizing Petron, at bill instituting centralized procurement of oil products. (Jack Adriano)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *