LABIS ang tuwa ni Sharon Cuneta makaraang makakuha ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan ng stable ranking sa partial and unofficial senatorial results.
Sa kanyang Instagram page, sinabi ng megastar na naniniwala siya sa milagro at sinabayan nila ang pangangampanya ng pagdarasal, tiwala, at pagpuri sa Panginoon.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Pinasalamatan din ni Sharon ang mga sumuporta at nangampanya para sa kanyang mister.
Idinagdag ng aktres na walang epekto kay Kiko ang paninira ng mga trolls at walang binatbat ang mga ito laban sa matatalinong botante at sa Diyos.
Nagpaabot din ang megastar sa kapwa senatorial candidate ni Kiko na si Bam Aquino na pumangalawa sa partial and unofficial senate Magic 12.
