MATAPOS ang mahigit tatlong dekada, pumili si Barangay Ginebra Coach Tim Cone ng panibagong Abarrientos.
1993 nang nang piliin ni Cone sa ilalim ng Alaska Milkmen ang legendary na si Johnny Abarrientos bilang third overall sa draft ng PBA.
Alex Eala, kinapos kay Mirra Andreeva sa Macau Tennis Masters
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Ngayon naman ay napabilang ang pamangkin ni Johnny na si RJ sa Gin Kings sa kaparehong pick para sa 2024 PBA Draft.
Dahil dito, naalala ni Cone nang piliin nila ang “The Flying A” noong 1993 para sa third pick, makaraang hindi nila nakuha si Victor Pablo sa second pick.
Tinawag ng winningest coach na “poetic” ang kwento ng mag-tiyuhing Abarrientos.
Hindi nakadalo si RJ sa draft dahil naglalaro ito para sa strong group Athletics-Pilipinas sa William Jones Cup, kaya si Johnny ang nag-represent sa kanyang pamangkin.
